Noong ika-1 ng Mayo ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay nakikiisa sa pambansang selebrasyon ng ika-122nd na Anibesaryo ng Araw ng Manggagawa na may temang “Sa Bagong Pilipinas: Manggagawang Pilipino, Kabalikat at Kasama sa Pag-asenso”.
Ang ating mga manggagawa ay nararapat na bigyang pagpapahalaga kung kaya’t sa pamamagitan nitong selebrasyon ay ipinapakita kung gaano kahalaga ang papel nila sa ating pamayanan at dahil sa kanilang pagsusumikap, sipag, at tiyaga nahubog ang ating bansa.
Ipinagmamalaki namin ang lahat ng manggagawang Pilipino dahil sa kanilang malaking tulong at determinasyong mapaunlad ang ating bansa.
Lubos kaming nagpapasalamat sainyo. Saludo kami sa inyo!