Tuloy-tuloy pa rin ang pangunguna ng City Government of Bacoor, kasama ang City Health Office sa pamumuno ni Dr. Ivy Yrastorza, sa pagsasagawa ng Libreng Tuli noong August 12, 2023 sa Barangay Panapaan 7, Barangay Hall.
Nasa 100 na batang kalalakihan na may edad 12-anyos pataas ang nagpatuli mula sa iba’t – ibang barangay, at nabigyan ng libreng gamot at reseta pagkatapos ng operasyon.
Nagbigay din ng suporta ang Perpetual Help Dalta Las Piñas Interns sa pag-assist sa mga kalalakihang nagpatuli at ang Barangay Officials sa programang handog ng Lungsod ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.