Noong July 28, 2023, inabangan ng mga kabataang Bacooreño ang Libreng Tuli na isinagawa sa Bayanan Covered Court, Barangay Bayanan, Bacoor City, Cavite. Ito ang patuloy na programa ng City Health Office (CHO) sa pangunguna ni Dra. Ivy Marie Yrastorza. Target ng City Health Office na makaikot ang Libreng Tuli sa lahat ng Barangay sa Lungsod ng Bacoor. Sa tulong ng Perpetual Medical Center – Las Piñas, mas maraming kabataang Bacooreño ang nabibigyan ng serbisyo sa pakikipagtulungan ng mga Doktor at Nurse na boluntaryong tumutulong sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
Ang programang Libreng Tuli ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ay magpapatuloy hanggang maibigay ng City Health Office ang kinakailangang serbisyo ng mga kabataang Bacooreño.
Sa ngayon, patuloy parin ang Libreng Tuli sa Barangay Bayanan sa pangunguna ni Dr. Erwin Cruz ng City Health Office, katuwang ang Pamahalaang Barangay ng Bayanan sa pangunguna ni Kap. Alfie Gawaran at ng kanyang mga kasamang kagawad.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.