Patuloy ang pag-ikot ng ating Veterinarian Team sa mga Barangay sa Lungsod ng Bacoor para magbigay ng libreng Rabies Vaccination sa may mga may-alagang ASO at PUSA. Kasalukuyang nasa Barangay Mambog 3 ang libreng bakuna ng aso at pusa sa pangunguna ni Doc. Ella Mae Gandia katuwang si Punong Barangay Ernesto Advincula at mga Kagawad nito.

Dumalo naman si Councilor Alde Pagulayan para kamustahin ang mga may-ari ng alagang hayop at paalalahanan na bukas ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor para tumulong sa mga Bacooreñong nangangailangan.

Nais ni Mayor Strike B. Revilla na maging Rabies Free City ang Lungsod ng Bacoor kaya patuloy ang programa na Free Rabies Vaccination dahil ito ang isang susi para ang mga alagang aso at pusa ay maging protektado ng bakuna, higit nasa 289 naman ang nakilahok sa nasabing programa.

WE STRIKE AS ONE, Dahil sa Bacoor at Home ka DITO!

Please like and follow our official social media accounts:

FB: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
Tiktok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Youtube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor

Maraming salamat po.

#CityGovtOfBacoor
#StrikeSaSerbisyo
#StrikeAsOne
#SaBacoorAtHomeKaDito