Isinagawa ang “HPV Vaccine Cervical Cancer Free ang Future natin!” sa Bacoor National High School Main. Isa sa nag organisa ng kaganapan ay ang Department of Education at City Health Office. Ang kaganapan na ito ay pumapatungkol sa “Ano ang HPV Vaccine?” at sa libreng bakuna para sa HPV.
Tumulong sa pag organisa ng seminar ay ang Teachers from District 1 and 2, City Health Office Staff, at ang mga opisyales ng Barangay Molino 1. Dumalo rin ang mga iilang kawani, kasama na diyan sina Konsehal Alden Pagulayan, Konsehal Simplicio Dominguez at ang Punong Barangay Joe M. Dominguez.
Mayroong mahigit kumulang na 1,163 na mga guro sa distrito ng 1 at 2. Ito ang mga kilalang kawani na naka-sponsor sa kaganapan na ito:
Hon. Strike B. Revilla (City Mayor)
Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola
Congressman Brayan Revilla
Ang mga Sangguninang Panglungsod Members
City health Office
Kaya naman wakasan ang Cervical Cancer, protektado ang kinabukasan sa tulong ng HPV Vaccine!
We Strike As One!Dahil sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.