Nagsagawa ng Seminar tungkol sa Sustainable Business Reachable for Senior Citizens noong October 6, 2023 sa Strike Gymnasium. Ito ay sa pangunguna ni Ms. Khei Javier-Sanchez ng Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO).
Layunin nito na mabigyan ng kaalaman at karanasan ang mga Senior Citizen bilang isang Business Owner. Hinihikayat din nito ang mga Senior Citizen na magtayo ng kanilang sariling negosyo. Isa sa nagbigay kaalaman at mensahe sa mga ito si Dr. Abraham De Castro ng Public Employment Service Office (PESO).
Kasama rin sa Seminar na ito ang Office of Senior Citizen Affairs (OSCA), City Social Welfare and Development (CSWD), City Health Office (CHO), Public Employment Service Office (PESO), at Bacoor Public Safety Unit (BSPU).
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.