Opisyal nang nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at ng Pamahalaang Bayan ng Tiaong, Quezon ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatatag ng kanilang Sisterhood Agreement na naglalayong mas palakasin ang ugnayan at pagtutulungan sa iba’t ibang aspeto ng kaunlaran.
Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla kasama sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, City Administrator Atty. Aimee Torrefranca-Neri, Sangguniang Panlungsod members, at mga Department and Unit Heads.
Malugod ding sinalubong ang mga espesyal na panauhin mula sa Tiaong, Quezon, na sina Mayor Vincent Arjay Mea, kasama si Municipal Administrator Atty. Sergio T. Eulogio, at ang kanilang mga Department at Unit Heads.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.