Sa papalapit na Pasko, nagbigay-liwanag at saya sa mahigit sa 1,500 na senior citizens ng Barangay Queensrow West at Molino IV ang maagang Pamaskong Handog mula kay Mayor Strike B. Revilla.
Hindi lang regalo ang ibinahagi sa kanila, kundi isang masayang pagdiriwang na puno ng mga laro, sayawan, at raffle, na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor. Kasama sa tagumpay ng pagdiriwang na ito ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pamumuno ni Ms. Liliane De Roxas Ugalde, at ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) na pinangungunahan ni Atty. Venus De Castro.
Ang masiglang okasyon na ito ay ginanap sa Bacoir Coliseum, ika-7 ng Disyembre, kung saan nagkaisa ang komunidad upang ipakita ang kanilang malasakit at pagpapahalaga sa ating mga nakatatandang mamamayan.
Kasama rin sa mga dumalo sa kaganapang ito si Kapitan Jeff Campaña ng Barangay Molino 4, na nagbigay ng kanyang suporta at dumalo sa espesyal na okasyon.
As We Strike As One Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito