December 8, 2023 — Sa matibay na koordinasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, at ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pamumuno ni Ms. Liliane De Roxas Ugalde, kasama ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) na pinangungunahan ni Atty. Venus De Castro, walang sawa at buong pusong ipinagpapatuloy ang pagbibigay ng Pamaskong Handog para sa mga minamahal na Senior Citizens ng Lungsod.
Nasa 2,000 ang nakatanggap sa Batch 2 mula sa Barangay Kaingen, Digman, Talaba 1, at Ligas 2.
Makakaasa po ang lahat na mas marami pang mga aktibidad at programa ang magbibigay liwanag at pag-asa sa bawat isa, lalo na sa mga minamahal na Lolo at Lola ng Lungsod.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.