Makabuluhan ang isinagawang pre-registration seminar para sa Bacoor Consumer Cooperation noong July 14, 2023, sapagkat dito ay nabigyan ng pagkakataon ang 300 na mga residente mula District 1 at 2 na magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga benepisyo, responsibilidad, at proseso na kaakibat ng pagsali sa kooperatiba.
Ang programang ito ay naglalayong makapagbigay ng mga oportunidad, kasanayan, at suporta upang palakasin at mapaunlad ang mga barangay communities.
Nagbigay naman ng mensahe tungkol dito sina Cooperative Advocate Luis Gonzales at Cooperative Development Authority Ismael Fampula.
Buo rin ang suportang ibinigay nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, at ABC President Ramon Bautista sa inisyatibang ito.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.