Isang matagumpay na pagpupulong ang naganap sa pagitan ni Mayor Lani M.Revilla at DPWH Sec.Mark Villar.

Ito ay inisyatibo ni Mayor Lani para humingi ng todong suporta mula sa ahensya para sa mga “flood mitigation programs” para sa Lungsod ng Bacoor.

Ayon kay Sec.Mark Villar irereview nya ang budget para sa mga proyektong ito at kung kailangang pa ng karagdagang budget, para na rin tapusin ang mga nkaplanong “flood control programs” para sa lungsod sa lalong madaling panahon.

Napag-usapan din ang pagsisimula ng paggawa ng Bacoor Diversion Road bilang paghahanda na rin sa gagawing LRT 1 Line 1 extension.

Umaasa ang lahat na sa pag kumpleto sa mga on-going at parating na mga proyekto na ito ng DPWH ay unti-unti ng maiibsan ang problema sa baha at pati na rin sa trapiko sa Lungsod ng Bacoor.

Ngayon palang ay nagpapasalamat na tayo kay Sec .Mark Villar sa binibigay na suporta ng ahensiya sa lungsod.

Kasama rin sa pagpupulong na ito si Ramon A Arriola IV ang bagong head ng Flood Control Dept. ng DPWH .
#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani