Isa na namang good news para sa lahat ng Bacooreños. Meron na pong LTFRB sa Bacoor!

Kaninang umaga kasama si Mayor Lani M.Revilla at Regional Director ng LTFRB Renwick Rutaquio ay binuksan na ang LTFRB Mobile Franchising Office na matatagpuan sa loob ng LTO RFC Mall Molino.

Tuwing Martes at Huwebes ay may kawani mula sa LTFRB na tatanggap ng mga bagong aplikante at renewal.
Hindi na kailangan pa pumunta sa LTFRB Lipa, Batangas para makakuha ng mga serbisyo mula sa nasabing ahensiya.

Ang pagkakaroon ng LTFRB sa Bacoor ay dahil na rin sa kahilingan ni Cong.Strike Revilla at Mayor Lani M.Revilla.

Kasama rin sa nasabing okasyon si Konsehal Alde Pagulayan at BTMD Head Gerry Del Rosario pati na ang ilang kawani ng LTFRB at LTO Bacoor sa pamumuno ni Ma’am Gilda Zubia.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani