Mahigpit na ipinapatupad ng lungsod ng Bacoor ang Curfew for Minors kung saan lahat ng minor de edad 17 years old pababa ay bawal na sa lansangan o pampublikong lugar pagsapit ng alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga.
Kamakailan, ilang establishments dito sa lungsod ang pinasara dahil sa pagpapasok o pagtanggap ng mga minors sa loob ng kanilang negosyo.
Maging halimbawa ang mga nangyaring pagsara ng kanilang pangkabuhayan sa mga taong hindi sumusunod sa mga ginawang ordinansa ng Bacoor!
Ang mga ordinansang ito ay mahigpit na ipinatutupad ng ating Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla upang mapangalagaan ang kapakanan at seguridad ng taong bayan!
Tandaan ang Bacoor ay MAY CURFEW, dahil May CARE FOR YOU!