Bacoor Coliseum – Sa ika-27 anibersaryo ng Strike Foundation Inc. (SFI), isang espesyal na pagdiriwang ang idinaos ngayong araw ika-22 ng Marso, 2024. Ang nasabing okasyon ay pinangunahan ng mga lider ng SFI Group sa pangunguna ni Mrs. Virgie Rodriguez.
Panauhing pagdangal ang ating alkalde ang SFI Founder Mayor Strike B. Revilla kasama sina Councilor Alde Pagulayan, Apolonio Advincula – Chairman ng Barangay Molino 3, Kagawad Rico Agapito, Kag. Pol Advincula, Kag. Josie Criste, Kag. Edward Sabater, Kag. Michael Bautista, Kag. Eric Sapitanan, Kag. Francis Baba, SK Chairman Junnel “Tolits” Sabater, Admin, Secretary at Treasurer ng Barangay, at ang dating Kagawad na si Jovelyn Tagle. Kasama rin sa pagdalo si Angel Parico mula sa PH Bookstore.
Bukod sa mga opisyal, kasama rin sa pagdiriwang ang 114 na mga lider ng barangay ng SFI, 100 na mga bata, at 15 na mga lider ng grupo. Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa rin ng SFI ang outreach program na naglalayong magbigay ng mga regalo at pagkain sa 100 mga bata. Ang 200 mga laruan ay sinuportahan ni Ms. Angel Parico ng PH Bookstore, at namahagi rin ng mga laruan ang Mayor Strike B. Revilla handog ng Mc Donald’s. Namahagi din ng Tsinelas si dating Kagawad Ms. Jovelyn Tagle para sa mga nangangailangan.
Sa pagsasagawa ng nasabing event, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang SFI sa suporta na ibinigay ng ating alkalde sa kanilang grupo.
Kasabay ng pagdiriwang na ito, naghandog din ang Barangay Molino 3, sa pamumuno ni Kap JUN Advincula at ng mga kagawad nito, ng isang sasakyan na magagamit ng SFI para sa kanilang mga gawain.
Ang pagdiriwang na ito ay nagpatunay na ang SFI ay patuloy na nagbibigay ng tulong at serbisyo sa komunidad. Sa susunod na taon, inaasahan na mas marami pang taon ng paglilingkod ang darating para sa SFI.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.