Upang mapanatili ang kagandahan at kahalagahan ng ating kultura sa Lungsod, isinagawa ang Ground Breaking Ceremony Sentrong Pangkultura ng Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani Mercado, Cong Bryan Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panglungsod at Dr. Jose Andres Diaz sa Brgy. Daang Bukid.
Inorganisa naman ito ng Tourism and Engineering Department sa pamumuno nina, Mr. Edwin Guinto at ni Engr. Jicky Jutba. Layunin ng proyektong ito na makapagbigay halaga sa ating kasaysayan at makapagbigay edukasyon sa mga kabataan at sa ating kapwa mamamayan ng ating Lungsod.
Ang itatayong Museo De Bacoor sa ating Lungsod ay magkakaroon ng Juan Balmaceda Library, Akedemyahan, Mini Theater, City Tourism Development Office, Culture and Arts Council Office, Bacoor Historical Society Office, One Stop Shop Pasalubong Center, K-12 Arts Track Classrooms.
Gayunpaman, dinaluhan at nagbigay suporta naman sina, Division Superintendent Babylyn Pambid, Mark T. Lapid – Chief Operating Officer Tourism, Christopher V. Morales – Assistant Sec. Dept. of Tourism, Marties T. Castro – Director, Regional Office IV-A, Donnie D. Cuna – DIST. Engineer Office, DPWH Region IV-A, PLTCOL. Jesson Bombasi, Board Member Edwin Malvar at ng mga SK Federation at Liga ng mga Barangay.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.