Dinagsa ng ilang daang mga Bacooreño ang kahabaan ng Evangelista Street (Brgy. Talaba 4 & 5) sa ginanap na Grand Opening ng Strike sa Negosyo Night Market noong May 5, 2023.
Sinimulan ito sa pamamagitan ng Ribbon Cutting na pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at ng Sangguniang Panlungsod.
Tila ba hindi alintana ang tindi ng init sapagkat kitang-kita sa ngiti ng bawat isa ang saya na kanilang naramdaman sa panibagong experience na ito dahil hindi lamang ito nakapagbigay entertainment kung hindi nagsilbi ring venue upang maipakita at makilala ang mga produkto ng ating mga Micro Small Medium Enterprises o MSMEs gayundin ng ating mga Local Entrepreneurs.
Ang pagbubukas ng Strike sa Negosyo Night Market ay mas lalo pang naging makabuluhan sapagkat dinaluhan ito ng ilang mga kilalang politiko katulad na lamang ni Former Presidential Communications Operation Office Sec. Martin Andanar, Usec. Victor Neri, Usec. Penny Belmonte, Asec. Kristine Evangelista, at Usec. Admin Aimee Neri.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Maki-foodtrip at maki-jamming na dahil bukas ito ng Lunes hanggang Linggo mula 6:00 PM hanggang 2:00 AM. Magkakaroon din dito ng Acoustic Night tuwing Biyernes at Linggo at Open Mic Night naman tuwing Sabado.
Magkita-kita po tayo!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.