Isa sa laging inaabangan ng ating mga kababayan ang God Father’s Day tuwing Birthday Month ni Mayor Strike B. Revilla, nagpapatawag kasi ito ng kanyang mga inaanak sa binyag at siya mismo ang nagbibigay ng regalo sa kanyang mga inaanak.
Kahapon, March 5, 2024, pinangunahang muli ni Mayor Strike B. Revilla ang God Father’s Day na dinaluhan ng mahigit isang libo limang daang bata kasama ang kanilang mga magulang para makisaya sa kaarawan ni Mayor Strike B. Revilla. Dito binigyan ng kasiyahan ang mga Bata na pinangunahan naman ng City Social Welfare & Development (CSWD) na paling nangangasiwa ng ganitong event.
Maraming pa-games at pa-raffle ang ginawa sa Strike Gym para maging masaya ang mga magulang at batang dumalo sa God Father’s Day.
Dinaluhan naman ng Sangguniang Panglungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang programa na siya ring nagbigay ng mesahe sa lahat ng mga dumalo.
Sa huli nagpasalamat si Mayor Strike B. Revilla at binigyang diin parin nito ang mga ordinansa ng Lungsod ng Bacoor lalo na pag dating sa curfew na palang ipinapaalala sa mga bata at magulang.
Namahagi naman ng regalo at cash si Mayor Strike B. Revilla sa lahat ng kanyang inaanak na dumalo sa kasiyahan.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.