Isinagawa noong Disyembre 7, 2023 ang isang General Assembly for Employees upang bigyang halaga ang sakripisyo ng mga kawani ng ating Lungsod.
Ang Employee General Assembly nilalayon na magpakita ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga empleyado ng Lungsod.
Ito ay isang pagkakataon para ipahayag ang pasasalamat at magbigay ng mga benepisyo sa mga nagtatrabaho nang buong dedikasyon para sa ikauunlad ng ating Lungsod.
Sa espesyal na okasyong ito, ipinagdiwang ang mga loyal na empleyado ng Lungsod na naglingkod nang sampung taon, labing limang taon, dalawampung taon, dalawampu’t limang taon, tatlumpung taon, at tatlumpu’t limang taon sa serbisyo ng Bacoor Government.
Ipinahayag naman ni Mayor Strike B. Revilla sakanyang talumpati ang pagkilala sa mga empleyado ng lungsod at pasasalamat sa mga natatanging parangal na ating natanggap. Isa sa mga parangal na ito ay ang Gawad Kalasag at ang pinakamimithing Seal of Local Governance Award na matatanggap natin sa susunod na linggo. Bukod pa rito, nagbigay rin si Mayor Strike B. Revilla ng mga Christmas Grocery Packs at 200 pesos para sa pa-raffle ng mga empleyado.
Kasama rin sa nasabing pagdiriwang ang pagdalo ni Konsehala Karen Sarino-Evaristo, na nagpakita ng suporta sa mga empleyado ng lungsod. Nagpapasalamat rin tayo sa lahat ng mga sponsor ng pa-raffle na nagdagdag ng kasiyahan sa okasyong ito.
We Strike As One Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito!