Mahigit kumulang 310 na mga aso’t pusa ang nabakunahan sa Libreng Anti-Rabies Vaccination Program na pinangunahan ng City Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Ella Mae Gandia noong August 2, 2023, sa Barangay Molino IV.
Ito ay handog ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, at ng bumubuo ng Sangguniang Panlungsod na kung saan ay kanilang hinihikayat ang mga pet owner na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop upang maiwasan ang banta ng rabies virus.
Nakiisa ang Punong Barangay ng Molino IV Brgy. Capt. Jeffrey P. Campaña, kasama ang kanyang Brgy. Council, at nag-volunteer naman ang mga miyembro ng Campaña Kabataan.
Makipag-ugnayan sa inyong Barangay para sa susunod na schedule ng Free Anti-Rabies Vaccination.
YES sa Kaligtasan ng mga Alagang Hayop!
We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.