Noong August 02, 2023, naganap ang buwanang pagpupulong ng mga Punong Barangay sa Bulwagan ng mga Barangay sa pangunguna ni ABS Pres. Kap. Monching Bautista. Pinag-usapan ang mahahalagang nangyari sa loob ng isang buwan at nagpa-alala na ang lahat ng Barangay sa Lungsod ng Bacoor ay may gampanin na dapat gawin katuwang ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla.
Kasama rin sa pinag-usapan ang mga accomplishment, programa, ordinansa, at batas na patuloy na ginagawa Bacoor Philippine National Police (Bacoor PNP) para maging maayos at ligtas ang mga Bacooreño. Tinalakay rin ng Comelec sa pangunguna ni Atty. Justine Dela Cruz ang nangyaring Plebisito na naging matagumpay sa tulong na rin ng mga kapitan na nagkaisa para sa Barangay Merging.
Sa huli, nagpasalamat si Mayor Strike B. Revilla sa lahat ng nakiisa sa Barangay Merging lalo na sa mga kapitang tumulong para maging matiwasay ang botohan noong July 29, 2023. Ipinakilala rin ni Mayor Strike ang bagong Chief Inspector BFP City Fire Marshall na si Mr. Alexander Dale.
Patuloy naman ang pagpapakita ng suporta ng mga Punong Barangay sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor para sa patuloy na programa at proyekto na makakatulong sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.