Dumalo si Mayor Strike B. Revilla sa pagpupulong ng Liga ng Barangay (LNB) upang ibahagi ang mga programa ng lokal ng pamahalaan at direktang tumugon ukol sa operalisasyon nito sa barangay-level. Ito’y bilang pagsiguro sa epektibong implementasyon ng mga inisyatibong naglalayong maabot ang bawat mamamayang Bacooreño sa tulong ng mga kawani ng barangay bilang mga katuwang sa pagbibigay ng serbisyo publiko.