Noong November 20, 2023, muling pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang regular flag raising ceremony kasama ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola, ABC President Kap. Monching Bautista, SK President Mac Raven Espiritu.
Matapos ang panalangin ni Bishop Eric Santos, pinangunahan ni Councilor Rogelio “Bok” Nolasco ang maligayang pagbati sa lahat ng mga Opisyal, Kawani, NGO na dumalo ngayong Lunes. Pinakita naman ng City Treasurer’s Office ang Accomplishment report na mayroong magandang estado ng koleksyon ngayong taon.
Ispesyal ang flag raising ngayong araw dahil sa mensahe at pag bisita ni Mr. Jose Robeto S. Almeda Jr. Senior Researh Specialist – Banko Sentral ng Pilipinas.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla inalala nito ang nangyaring lindol sa Saranggani, Davao Occidental na may magnitude 6.8 at naramdaman rin ito sa iba pang panig ng Mindanao. Binalikan rin ni Mayor Strike ang nangyaring summit noong nakaraang Sabado na pinangunahan ng Bacoor Disaster Risk Reduction & Management Office. Pinasalamatan naman ni Mayor Strike ang tanggapan ni Ma’am Edith Napalan ang City Treasurer’s Office na siyang responsable sa paniningil ng buwis at iba pang gawain patungkol sa pananalapi. Ang Seminar ng Anti-Ilegal Recuitment and Trafficking in Person (AIR-TRIP).
Sa huli, binati ni Mayor Strike B. Revilla ang City Agriculture dahil muli itong nag uwi ng karangalan sa ating Lungsod, gayun rin ang pagbati sa mga bagong opisyal ng Sk Federation na ngayon ay manunungkulan na sa kani-kanilang Barangay.
Ang pagkapanalo rin ng Bacoor City Striker Filbet.com na nag kampiyon sa SOUTH Division ng MPBL ay kasama rin sa binati at pinasalamatan ni Mayor Strike.
Bago tapusin ni Mayor Strike ang kanyang mensahe, ibinalita rin nito ang isang napakahalagang proyekto na ngayon ay mabibigyang katuparan na sa tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ang Housing Project sa Barangay Zapote1.
Patuloy tayong tumutok sa mga programa at proyektong ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.