Kilalanin ang Little Innovators ng City of Bacoor, o mas higit na kilala bilang “ROBOSTRIKERS” ng Bacoor National High School – Main (BNHSM! Ang mga Batang BacooreƱong ito ay binubuo nina:
– Matthew Alston Pedemonte
– Miguel Gabriel Cabra
– Justin Bustamante
– Jahnrei Kennard A. Falalimpa
– Noah Eleazar-Solsona
– Noah Gavin L. Cuenca
– Beatrice Rosalinda M. Dolis
– Virginia Aurora M. Dolis
– Amanda Ysabel Hurtado.
Sa larangan ng Robotics Competition, alam niyo bang sila ay kilalang kilala na?
Ang robotics ay isa sa mga pinakamainit na paksa ngayon. Sa Pilipinas, tinatangkilik natin ang robotics hindi lamang sa pag-aaral nito sa paaralan kundi pati na rin sa paglahok sa mga kompetisyon sa iba’t ibang lugar.
Ang RoboStrikers ay nakilahok sa kanilang unang national competition – ang ROBOCLASH 2023: 1st DOST CALABARZON Robotics Tournament na ginanap SM City San Pablo, Laguna noong ika-12 ng Setyembre 2023.
Lumahok sila sa kategoryang Line Tracing at Sumobot. Sa Line Tracing, ang robot ay sinusundan ang isang marka o guhit sa lupa para mapanatili ang tamang direksyon o landas. Sa Sumobot naman, ang mga robot ay nakikipaglaban para itulak ang kalaban mula sa isang elevated o espesyal na arena.
Bago sila sumalang sa kanilang mga nilalahukang kompetisyon, ang RoboStrikers ay nagtataglay ng reserbang robot para sa paligsahan, at nagpapakadalubhasa sa pamamagitan ng patuloy na pag-eensayo kasama ang kanilang mga coaches.
Sa kabila ng mga kaba at nerbiyos, napagtagumpayan ng RoboStrikers ang kanilang mga laban – nagwagi sila bilang Top 1 at Top 2 sa kategoryang Line Tracing, at Top 4 sa kategoryang Sumobot.
Ayon sa RoboStrikers, layunin nilang dalhin ang pangalan ng kanilang paaralan at ipakita na ang bawat mag-aaral ay may kakayahang magsagawa ng teknolohiya, partikular na sa larangan ng robotics.
Ang RoboStrikers ay Patuloy na magpapakita ng kanilang husay at dedikasyon. Ang kanilang tagumpay sa mga kompetisyon ay patunay ng kanilang kakayahan na mag-ambag sa pag-unlad ng teknolohiya at siyentipikong kasanayan. Ito rin ay nagpapakita na ang mga kabataan ngayon ay may malaking potensyal na maging mga inhinyero at mananaliksik sa hinaharap, nagbibigay inspirasyon sa kanilang mga kasamahan na sumubok at mangarap.
Ang kanilang kwento ay magiging tampok sa ilalim ng “Galing mo BacooreƱo!” Bilang pagkilala sa kanilang galing at dedikasyon, patuloy nating palakasin at suportahan ang ating mga kabataan sa kanilang mga adhikain, lalo na sa larangan ng siyensya at teknolohiya.
Mabuhay ang RoboStrikers! Mabuhay ang kabataang Pilipino!