Noong November 17, 2023, nagsagawa ang City Health Office kasama ang Bacoor DepEd ng Free Anti-Flu Vaccine Program sa pangunguna ni Dr. Ivy Marie Yrastorza at ni Dra. Babylyn M. Pambid na ginanap sa Elementary School – Alima.
Dinaluhan ito ng 900 na guro mula sa iba’t-ibang paaralan ng Lungsod, dahil ang programa na ito ay naglalayon na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat guro sa ating Lungsod.
Malaking suporta rin ang ibinigay nina Mayor Strike B. Revilla at Congresswoman Lani M. Revilla, Dr, Venus T. Balmedina ( Office of the Assistant Schools Division Superintendent) at Dr, Caesar Pajuyo (School Health and Nutrition Unit).