Noong August 23, 2023, inumpisahan na ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang pamamahagi ng Social Pension sa mga Lola at Lolo sa Barangay Talaba 1, 2, 3, 4, 5, 6, at 7 na tinatayang aabot sa 571 benepisyaryo.
Ginanap ang pamamahagi ng pension sa covered court ng Barangay Talaba 7 kung saan pinangunahan ito ng City Social Welfare Development (CSWD) sa pangunguna ni Ms. Lilian Ugalde. Dumalo rin si Ms. Khei Sanchez na siyang kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla para ipaliwanag rin ang mga programa para sa mga senior citizen ng Bacoor.
Target ng Pamahalaang Lungsod na maipamahagi ang social pension ng mga benipisyaryong senior citizen bago matapos ang buwan ng Agosto.
Patuloy naman ang programa at proyekto nila Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola at Sangguniang Panlungsod Members para sa mg senior citizen sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.