November 24, 2023, ginanap ang strike sa serbisyo ni Mayor Strike B. Revilla na naghatid ng magandang oportunidad para maging parte ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor. Ang programang ito ay binuksan para magkaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na maging parte ng Pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga BacooreƱo.
Mahigit sa 660 ang nag aplay sa Online at nasa mahigit 300 naman ang aktuwal na pumila na dumaan sa Pre-Screening, Initial Interview at Assesment. Ang mga mapipiling aplikante ay maaring maging permanente kung sila ay kwalipikado sa posisyong hinahanap ng Human Resources (HR) ng Pamahalaang Lungsod.
Ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ay gagawa ng mga programa at proyekto na makakatulong sa mga BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.