Nakamit ng Bacoor Computer at Tech4Ed Center ang ikalawang puwesto bilang “Outstanding Tech4Ed Center 2023” sa prestihiyosong pagkilala sa ginanap na Multi-Stakeholders Summit and Tech4Ed Awards na inorganisa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region IV-A kahapon, November 22, sa Salona Hotel, Sabang Lipa City, Batangas.
Ang pagkilala na ito ay masayang tinanggap ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola kasama sina MIS/E-Governance Department Head Lodgene Asuncion at BCC Supervising Officer Michelle F. San Gabrielle, sapagkat patunay lamang ito ng kanilang natatanging kontribusyon sa pagpapalaganap ng kaalaman sa teknolohiya at digital literacy sa rehiyon.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.