Opisyal nang binuksan ang pinakahihintay na Strike As One Sari-Sari Store sa Lungsod ng Bacoor noong nakaraang linggo, ika-13 ng Disyembre 2023. Kasabay nito ang seremonyal na pagpapala na pinasinayaan ng mga lokal na opisyales ng Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, kasama ang ilang mga opisyales ng barangay sa pangunguna naman ni Barangay Captain Manuel Trinidad.
Inaasahan na ang Sari-Sari Store na ito ay magbibigay ng masusing serbisyo at malawak na hanay ng produkto sa mga mamamayan, gayundin ang pagtugon ng establisyamento sa pangangailangan ng komunidad sa abot-kaya at dekalidad na paraan.
Matatagpuan ito sa Zapote Kalinisan, Barangay Talaba IV, mula Lunes hanggang Biyernes, alas-otso ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.
SHARE
Previous articleWeather Update
Next articlePanlungsod na Pananalita