Noong August 19, 2023, ginanap ang pagpupulong ng mga miyembro ng Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA) o komite at Teknikal na grupo na silang babalangkas sa mga hakbang na gagawin ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na pangungunahan ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) sa pangunguna ni Mr. Richard T. Quion.
Nasa animnapung (60) kinatawan na galing sa Environment and Natural Resources Office (CENRO), City Assessors Office (CAO), City Engineering Office (CEO), Office of the Building Officials (OBO), Office of the City Agriculture (OCA), City Health Office (CHO), Bacoor Disaster Risk Reduction, Manangement Office (BDRRMO), Liga ng mga Barangay, at Sangguniang Panglungsod Members ang dumalo para mas mapaghandaan at mapag-usapan ang mga mahahalagang programa at proyekto para sa ikabubuti at ikaaayos ng Lungsod ng Bacoor.
Dumalo rin at nagbigay ng mensahe si Councilor Engr. Levy M. Tela mula Committee on Environment and Natural Resources. Kasama rin sa nagbigay ng mensahe si Councilor ABC Pres. Ramon “Monching” Bautista na pangulo naman ng Liga ng mga Barangay sa Lungsod ng Bacoor.
Hindi rin pinalampas ni Mayor Strike B. Revilla ang CDRA Orientation upang magbigay ng mensahe para mailatag rin ang mga programa at proyekto na makatutulong kung may dumating mang sakuna sa Lungsod ng Bacoor.
Sa ngayon patuloy ang pagpupulong ng mga kinatawan ng iba’t ibang departamento para mas mabuo ang mga plano, programa, at proyekto na makatutulong hindi lang sa mga Bacooreño maging sa ating mahal na Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.