Sinuportahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pamamahagi ni Barangay Captain Jeffrey Pakingan Campaña ng limang kilong bigas sa tinatayang 5000 na benepisyaryo na Senior Citizens sa Barangay Molino IV, noong August 16, 2023.
Masayang nagbahagi si Mayor Strike B. Revilla ng kanyang mensahe patungkol sa Barangay Merging na kung saan katulad sa mga malalaking Barangay sa Molino ay makakaya na rin ng ibang barangay ang mga ganitong proyekto dahil sa mas lalaki na ang kani-kanilang pondo.
Naging posible ito dahil sa bumubuo ng Brgy. Council ng Molino IV at Sk Chairperson Ivahna Matta kasama rin ang kanyang SK Council.
Dinaluhan ito ng Campaña Kabataan, 17 Clusters na mga miyembro, at mga presidente ng Senior Citizens sa Brgy. Molino IV na kung saan sa buwang ito ay nakalaan na ang ipamamahagi sa bawat subdivision.
We Strike As One!
Dito sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.