Sa layuning mapanatili ang kalidad at tamang paggamit ng mga fuel dispensing pumps, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, katuwang ang Cavite Treasurer’s League ng isang pagsasanay ukol sa tamang kalibrasyon ng nasabing kagamitan.
Ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng sapat na kaalaman at kasanayan sa City Treasurer’s Office, kabilang na ang 23 LGUs na dumalo rito, na siyang responsable sa pagsukat at pasasaayos ng mga fuel dispensing pumps. Ito ay may layuning masiguro na ang bawat dispenser ay nagbibigay ng tamang dami ng fuel sa bawat transaksyon, na nagbibigay daan sa patas at wastong serbisyo sa mga mamamayan at negosyante sa Bacoor.
Naging malaki ang naging partisipasyon dito nina Mr. Mark Acidella – Project Technical Assistance I of DOST – Cavite at Mr. Brigido Casanova Jr., – SRS II/Laboratory Head of DOST – RVCL, kaya naman lubos tayong nagpapasalamat sa kanila.
Ang pagsasanay na ito ay ginanap noong nakaraang December 5, sa Revilla Hall, Bacoor Government Center.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.