Para sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Bacoor, isinagawa noong September 30, 2023 ang Ribbong Cutting ng Business One Stop Shop sa SM Bacoor.
Layunin ng Business One Stop Shop o BOSS ay makapagbigay ng mas mabilis na transakyon sa ating mga residente. Ito ay magbubukas sa darating na Oktubre 2023, kaya’t abangan ang pagbubukas at ang mga anunsyo sa ating opisyal na social media pages.
Nagbigay mensahe naman ang ating mahal na alkalde na si Mayor Strike B. Revilla at kasama niya ring sumuporta si Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola kasama ang Sangunniang Panglungsod Members.
Ang proyektong ito ay pamamalakad ng City Government of Bacoor katuwang SM Bacoor na kinatawan nina Ms. Josephine Arvesu (SM Bacoor Mall Manager), Ms. Rachel Queenie Dizon (Vice President for Mall Support and Business Unit) at Representative of SM Prime Holdings.
Dumalo rin si City Administrator, Atty. Aimee Neri Torefranca at ang mga Department and Unit Heads upang magbigay suporta sa pag-organisa ng Legal Office sa pamumuno ni Atty. Kim Nyca Lofranco.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.