Sinimulan ang linggong ito sa Lungsod ng Bacoor sa pagsasagawa ng Regular Flag Raising Ceremony na ginanap noong September 4, 2023, sa Strike Gymnasium na kung saan ang host office ay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bacoor na pinamunuan nina Male Dormitory headed by JSUPT Kaye del Rosario, and Female Dormitory led by JCINSP Atty. Joy Anne Pascual.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si City Councilor mula District 1, Honorable Alejandro Gutierrez na sinundan naman ng pagbahagi ng Accomplishment Report ng BJMP-Bacoor.
Mainit namang tinanggap ang bisita sa araw na ito na si JCSUPT. Hilbert M. Flor, MPSA, Regional Director ng BJMPRO – CALABARZON.
Alinsunod dito ay pinarangalan ang Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office Head, Sir Richard Quion bilang isang Sponsoring LGU-Local Chief Executive ng City of Bacoor sa naganap na Disaster Preparedness Training.
Binigyang kulay naman ng BJMP Personnel ang lunes na ito sa kanilang hinandang intermission number.
Nagtapos ang seremonya sa pagbahagi ng acting City Mayor of Bacoor, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola ng mensahe na kinapalooban ng mga sumusunod:
• 352nd Founding Anniversary ng Bacoor (September 29,2023)
• Best City Jail of the Year Calabarzon Region 2023
• Pagsisimula ng Official Classess para sa School Year 2023-2024 na may 117,494 Enrollees
• Renaming ng Bacoor National High School-Tabing Dagat Annex bilang Mariano Gomes National High School
• Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) – Responsableng Panonood
• Pamamahagi ng Social Pension ng CSWD at Libreng Bakuna Kontra Pneumonia ng CHO
• Cavite Vice Mayors’ League
• Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbong barangay at SK officials
We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.