Noong April 7, 2024, opisyal nang pinasinayaan ang pinakabagong Multi-Purpose Building sa Sampaguita Village, Mambog 2, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Ang bagong gusali ay itataguyod bilang isang Health Center, Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), at Homeowners Association (HOA) office.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon nito, inaasahang mas mapapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad, lalo na sa mga senior citizens, habang nagbibigay din ng mahalagang suporta sa pangangailangan ng mga Homeowner sa barangay. Ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kaunlaran at pagkakaisa ng Barangay Mambog 2.
Kasabay nito, pinaalalahanan din ang mga residente ukol sa ordinansa na ibinababa sa Lungsod gayundin ang pagiingat sa Pertussis o whooping cough, isang nakakahawang impeksyon dulot ng mikrobyo na maaaring kumalat sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan o pagtabi sa mga tao na mayroong ganitong uri ng ubo.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.