TINGNAN | Nitong March 4, 2024 isinagawa ang Blessing & Inauguration ng SPR PMVIC – Bacoor Private Motor Vehicle Inspection Center na ginanap sa Revilla Business Park.
Ang proyektong ito ay pribado ngunit katuwang ng Pamahalaang Lungsod para makapagbigay ng serbisyo sa mga nais mapabilis ang transaksyon para sa kanilang renewal ng sasakyan. Tinatayang aabot lamang sa Lima hanggang sampung minuto (5min to 10min) tatagal ang pagsusuri ng isang sasakyan.
Malaking tulong ang MVIC na ito dahil mas mapapadali ang kanilang pag renew dahil nasa harapan ng LTO Bacoor ang lokasyon.
Nagsawa naman ng Emission Testing para sa Light Vehicle at Motor para makita at malaman ng ating mga kababayan kung pano ang proseso ng makabagong teknolohiya.
Dinaluhan ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla, Sen. Bong Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista – Mendiola , BM Ram Bautista, Councilor Igi Revilla Ocampo (Imus Councilor), Ms. Princess Revilla – Ocampo (Owner of SPR Inspection Testing Auto Supply and Services Inc.), Atty. Mark Reyes. (Director, FRS; Head, AC TWG), Atty. Sarah Joy T. Mella (Chief of Staff and Representative of ASEC. DOTR Jaime “Jimmy” Jimenez Bautista), Cupido Gerry Asuncion (Regional Director, LTO Region IV-A CALABARZON), ASEC. Atty. Vigor Mendoza II.
Nagbigay din naman ng suporta ang buong miyembro ng Sangguniang Panglungsod, Liga ng mga Barangay, Department and Unit Heads, PNP, BFP, & BJMP Personnel, SK Federation, LTO CALABARZON, at ang DILG Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.