Sa pangunguna ng ating Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola muling isinagawa ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) distribution para sa ating mga kababayan sa Barangay ng San Nicolas 1 to 3. Nagpadala rin ng mensahe sa pamamagitan ng video sina Sen. Bong Revilla Jr. at Congresswoman Lani Mercado Revilla, kanila rin binanggit ang patungkol sa revilla law.
Bukod sa pagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga taga-BacooreƱo, ang pagtitipon ay nagbigay-diin din sa mga mahahalagang aspeto tulad ng pagdiriwang ng Womens Month at pagpapaalala sa mga lokal na ordinansa sa ating mga kababayan, kasabay nito ipinakilala rin ang Paleng-QR PH at ang bagong sistema ng ticketing.
Sa pamamagitang ng ganitong pagtitipon ay patuloy nating nabibigyan tulong at pag-asa ang ating mga kababayan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.