Noong July 20, 2023, naging masaya ang pagkikita ng mga residente sa Barangay Daang Bukid, Tabing Dagat, at Campo Santo, dahil sa handog na papremyo ni Gov. Jonvic Remulla at Mayor Strike B. Revilla sa mga Bacooreñong mabubunot sa raffle.
Sa Ugnayan sa Barangay ipinakikita ni Governor Jonvic Remulla at Vice Gov. Athena Tolentino ang suporta ng Pamahalaang Lalawigan ng Cavite sa Plebisito na gagawin sa July 29, 2023. Dito hinihikayat na magtulungan ang bawat isa para sa magandang plano ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor tungo sa magandang serbisyo ng isang Barangay.
Nagbigay naman ng kaalaman sa pag-boto si Atty. Jastine Dela Cruz ng Comelec Bacoor sa mga residenteng kasama sa Barangay Merging.
Dumalo sa Ugnayan sina Punong Barangay Jesus Arnold L. De Leon ng Tabing Dagat, Kap. Randy C. Francisco ng Daang Bukid, Kap. Federico H. Espiritu ng Campo Santo, maging ang mga Kagawad at Barangay Staff ng tatlong Barangay.
Patuloy naman ang pasasalamat ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members, ABC Pres. Councilor Kap. Monching Bautista, SK FED. Pres. Reyven Espiritu sa tatlong Barangay na nagkaisa para suportahan ang Plebisito sa July 29, 2023.
YES na YES!
As We Strike As One, Sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.