Enero 8, 2024 – Sa espesyal na araw na ito, binigyan ng City Government ng Bacoor ang Bacoor City Lady Strikers Team at Coaching Staff ng cash incentives dahil sa kanilang pagkakampeon sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA).
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pagbibigay ng cash incentives, kasama sina Konsehal Alde Pagulayan, Konsehala Karen Sarino Evaristo, Mr. Dennis Abella, at Mr. Bobby Bautista.
Layunin ng cash incentives na hikayatin ang mga atleta tulad ng Bacoor City Lady Strikers na magpatuloy sa kanilang husay sa volleyball. Ito rin ay pagpapakita ng suporta at pagmamalasakit ng lungsod sa mga lokal na atleta.
Ipinapakita ng pagkilalang ito ang pagsisikap ng lungsod na itaguyod ang kahusayan sa palakasan at suportahan ang mga lokal na atleta sa kanilang mga pangarap at tagumpay.
As We Strike As One Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.