Pinangunahan ni At-Your-SerVICE, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola ang pamamahagi ng libreng salamin at pustiso para sa mga Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWD) sa Lungsod kahapon, December 18, 2023, kasama si City Councilor Alex Gutierrez at Dra. Annabelle Asuncion.
Ito ay bilang pagpapatuloy sa pagsasakatuparan sa pangako ng serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan, na buong puso na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, katuwang ang City Health Office (CHO) sa pamumuno naman ni Dra. Ivy Yrastorza.
Sa katunayan, nasa mahigit kumulang na 400 na benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng salamin habang nasa 50 naman ang nabigyan ng libreng pustiso.
Para sa mga hindi nakakuha ng kanilang libreng salamin kahapon, maaari po kayong magtungo sa Asuncion Optical sa Zapote Center mula 10:00 AM hanggang 7:00 PM hanggang bukas, December 20. Ipakita lamang ang inyong resibo bilang patunay.
Maraming salamat po.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.