Isa sa pinakainaabangan tuwing ipinagdiriwang ng Lungsod ng Bacoor ang kanilang anibersaryo ay ang sikat na sikat na Marching Street Parade ng iba’t ibang kilalang marching bands sa buong bansa.
Ngayong taon, nasa mahigit apat-napung banda ang nagbigay ng kahanga-hangang performances at exhibitions na talaga namang nakapagpabilib sa mga manunuod. Kabilang dito ang ipinagmamalaking 20 participating marching bands mula sa ating lungsod at 27 marching bands mula naman sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.
Sa kabuuan, hinirang na 1st place ang Banda Dos Kabataan mula sa Angono, Rizal, 2nd Place naman ang Banda San Jose mula sa Las Piñas, at 3rd Place naman ang Citizens Brigade Band of Dasmariñas.
Bukod dito ay binigyan din ng espesyal na parangal ang mga sumusunod:
Holy Rosary Youth Band
Best Drum Major
University of Saint Anthony Band and Majorettes
Best Uniform and Best Majorette
Saint Joseph Band ‘98
Best Color Guard
Anak Zapote Band Inc.
Best Drum Major
‘96 Band
Best Majorette
D Original
Best Color Guard
El Gobernador Band Assn
Bacoor Best in Parade
Pagbati po sa lahat ng mga nagwagi! Mabuhay po kayo.