Idinaos noong Abril 08, 2024 ang seremonya ng pagsumpa ng 47 miyembro at opisyal ng asosasyon ng mga Barangay Secretary sa Strike Gymnasium. Ang nasabing pagtitipon ay inorganisa ng Asosasyon Barangay Secretary ng Bacoor City.
Kasama sa mga dumalo sa seremonya ang ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla, na siyang nagpangasiwa ng seremonya ng pagsumpa. Nanumpa ang mga 47 miyembro ng Asosasyon ng Barangay Secretary sa kanilang mga tungkulin bilang mga tagapaglingkod ng mga barangay sa Lungsod. Kasunod nito ang panunumpa sa mga opisyal ang mga pangulo, bise pangulo, kalihim, kawani, at Board of directors.
Pinangunahan ni Ms. Arlene Ramos, ang pangulo ng Asosasyon ng mga Barangay Secretary, ang seremonya. Kasama rin sa mga dumalo si Mayor Strike B. Revilla, na siyang nagpahayag ng panunumpa ng mga opisyal.
Ang mga opisyal ng Asosasyon ng mga Barangay Secretary ay nagsumpaan upang patunayan ang kanilang dedikasyon at katapatan sa paglilingkod sa mga barangay at sa buong lungsod ng Bacoor. Sa pamamagitan ng seremonya ng pagsumpa, ipinapakita ng mga opisyal ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga responsibilidad bilang mga lingkod ng komunidad.
Ang mga pinuno ng Asosasyon ng mga Barangay Secretary ay nina Ms. Arlene Ramos bilang pangulo, Ms. Flordeliza Ramirez bilang bise pangulo, Ms. Shyrene Villanueva bilang secretary, Ms. Blesilda Abareles bilang treasurer, Ms. Heidie Mendoza bilang PRO, Mr. Mark Gil Juanito bilang sargent at arms, at Ms. Me Ann Borras bilang auditor. Kasama rin sa mga opisyal ang Board of Directors na kinabibilangan nina Ms. Melissa Cruz, Mr. Gimar Inocencion, Mr. Arnold Guinto, at Mr. Danny Eguia.
Ang seremonya ng pagsumpa ay nagpapakita ng patuloy na pagkakaisa at dedikasyon ng mga opisyal ng Asosayon ng mga Barangay Secretary sa paglilingkod sa mga barangay at sa buong lungsod ng Bacoor. Sila ay mga haligi sa pamamahala ng mga barangay at naglalayong magtaguyod ng kaayusan at kapakanan ng mga Bacooreño.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.