Ngayong ika-82 “ARAW NG KAGITINGAN”, ating pong ginugunita ang mahalagang kontribusyon ng ating mga magigiting na Bayani na nakipaglaban para makamit natin ang kalayaang bilang isang Filipino.
Ngayon ang atin mga Beterano ang nais natin bigyang pugay dahil sa mahalagang nagawa nito sa ating bansa. Ang Beterano ay isang indibiduwal na nagsisilbi nang matagal o may mahabang karanasan sa trabaho o sumabak sa digmaan para ipaglaban ang ating mahal na Bansa.
Mabuhay ang ating mga Beteranong Pilipino na hanggang ngayon ay nagiging gabay natin para sa isang MAAYOS, MAGINHAWA AT LIGTAS NA BANSANG PILIPINAS.
MABUHAY ANG PILIPINAS!