Kuha po ang mga larawan sa pamamahagi ng pinansyal na tulong at mga grocery pack sa pangunguna ng Housing Urban Development and Resettlement Dept. (HUDRD) na pinamumunuan ni Atty. Aimee Torrefranco Neri.
Kasama sa mga dumalo sa seremonya sina Mayor Strike B. Revilla na siyang personal na nagbigay ng financial at Grocery packs kasama si Kapitana Vivian Gawaran Ramirez.
Ang mga pamilya pong ito ay apektado ng proyekto na itatayong Pabahay sa 4PH program ng Pangulong Bongbong Marcos at ng ating Bacoor LGU ang Strike Tower.
Ang mga benepisyaryo ng proyekto ay ang 49 na pamilya mula sa Zapote 1 na lilipat sa Naic. Layunin ng pagtitipon na ipamahagi ang pinansyal na tulong at mga grocery pack sa mga benepisyaryo upang matulungan sila sa kanilang paglipat at paghahanda sa kanilang bagong tahanan.
Naganap ang seremonya ng pamamahagi sa Strike Gymnasium noong ika-8 ng Abril, 2024. Ipinakita ng Bacoor LGU ang kanilang suporta at pagkilala sa mga benepisyaryo ng Zapote 1.
Sa huli, ang pagpamahagi ng pinansyal na tulong at mga grocery pack na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagkakaisa at pag-alalay ng lokal na pamahalaan aayos at paghahanda sa kanilang bagong tahanan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.