Bacoor, Cavite – Nag-organisa ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Bacoor ng SK Basketball Tournament 2023 na ginanap sa Brgy. Molino 2 Covered Court noong April 30, 2023.
Dinaluhan ang okasyon ni Ms. Khei Sanchez, bilang kinatawan ni Mayor Strike, SK President na si Konsi Mac Raven Espiritu, mga players ng Bacoor City Strikers at si Kap Brian “BJ” Aganus, ang assistant coach ng Bacoor City Strikers.
Ang ligang ito ay nagpakita ng partisipasyon ng mga residente ng Brgy. Molino 2 at naglalayon na itaguyod ang sports para sa kabataan. Ang okasyon ay isang malaking tagumpay, kung saan ipinakita ng mga manlalaro ang kanilang kahusayan at competitive spirit.
“Masaya kami sa magandang naging resulta ng SK Basketball Tournament 2023. Masaya na nakita namin ang kabataan ng Bacoor na nagsama-sama upang mag-promote ng sports at malusog na kompetisyon,” sabi ni Kap BJ Aganun, Asst. Coach ng Bacoor City Strikers.
Nagsimula ang palaro ng 3 PM at nagpatuloy hanggang 6 PM. Ang Brgy. Molino 2 sa pangunguna ni Kap. Mike Saquitan ay pinaayos ang Covered Court para maging maayos ang venue ng liga.
Nagpahayag ng kanilang pasasalamat ang Sangguniang Kabataan sa lahat ng mga kalahok at dumalo sa SK Basketball Tournament 2023 na nagbigay daan sa tagumpay ng Liga.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.