sa tulong na ibinigay sa atin ni Senator Bong Go. Ating tinipon ang heads of the families ng mga kababayan nating nasunugan sa Brgy. Alima at Brgy. Sineguelasan. Nagbigay si Sen Bong Go ng financial assistance, relief packs, 25 bikes, 25 tablets at motorcycle backriding barriers sa mga biktima ng sunog.
Si Senator Bong Revilla ay binigyan ng kapanatagan ang ating mga kababayan na hindi sila papabayaan at kung nanaisin nilang makabalik sa kanilang lupang panirahan ay makakabalik sila matapos na maiayos ang kanilang lugar.
Ayon naman kay Mayor Lani Mercado-Revilla makakatanggap ng sampung libong piso na financial assistance ang bawat pamilya na nasunugan bilang ayuda sa kanilang muling pagsisimula sa buhay. Binanggit ni Mayor Lani na titiyaking hindi magugutom ang mga kababayang nasa evacuation centers at maaari silang manatili doon dalawang linggo hanggang isang buwan.
Kasama din sa pagtitipon sila Cong Strike Revilla, Vice Gov Jolo Revilla, Board Member Aba Gawaran, Vice Mayor Karen Sarino-Evaristo, Konsehal Alde Pagulayan, ABC President Rey Palabrica at Bryan Revilla na tumulong sa pamamahagi ng financial assistance at relief packs.
Dumalo din ang iba’t ibang ahensiya ng Pambansang Pamahalaan para magbahagi ng kanilang tulong sa muling ikabubuhay ng ating mga kababayan.