Ikaw ba ay isang Rehistradong Mangingisda ng Lungsod ng Bacoor? Sali na sa “8TH MANDARAGAT OLYMPICS” ng City Government of Bacoor- Office of the City Agriculturist – Bacoor at Maynilad Water Services Inc.! Ito ay buhat pa din sa pagdiriwang ng ating Lungsod ng 352nd BAKOOD FESTIVAL. Gaganapin ito sa ika-28th ng Setyembre 2023, Brgy. Sineguelasan Covered Court na sisimulan sa ika 8n.u.. Kabilang sa mga aabangang palaro ay ang mga ss: 1. Triathlon(Running, Swimming at Boat Racing), 2. Pabilisan ng Pagbubukas ng Talaba, 3. Tahong Cook-Off, 4. Bangkarera ng Gasolina, 5. Bangkarera Dos Labajas, at pinaka aabangang Boat Decoration.
Ang OCA Bacoor ay nakatakda ding mamahagi ng mga papremyong tropeyo at medalya na buhat kay Mayor Strike B. Revilla, Hon. Rowena B. Mendiola at Congw. Lani M. Revilla! Mayroon ding inihandang cash prizes na buhat naman sa mga major sponsors ng event gaya ng Maynilad Water Services Inc..
Magkakaroon din ng pagpaparaffle ng unit ng Bangka at mga bigas!
Kung nais ninyong sumali, mangyaring makipag ugnayan sa Barangay Fisheries and Aquatic Resources Mngt. Council Chairman ng inyong Coastal Barangay.