Nagtagisan ng talino ang mga Grade 10 na mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Bacoor sa naganap na “2023 Bacoor KOOP Quiz,” noong September 26, 2023, sa Bulwagan ng Liga ng mga Barangay.
Layunin ng patimpalak na ito na matutunan ng mga kabataang Bacooreño ang kahalagahan at kapakinabangan ng cooperatives sa kanilang buhay.
Kaya naman nakiisa ang 40 na mga mag-aaral at ang mga nagwagi ay nabigyan ng plaque at premyo, ito ay sina:
• Champion – Janah Gwyneth Vera R. Dawal, Queensrow Integrated School, coach – Rebecca Burgonio
• 1st runner – Allydiah Marrie M. Makilan, Victorious Christian Montessori College, coach – Roselyn Glovo
• 2nd Runner Up – Kirsten Ellisse Z. De Jesus, University of Perpetual Help System Dalta, coach – Eva L. Deguzman
Nagbigay suporta si Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista – Mendiola, Congresswoman Lani Mercado Revilla, Congressman Bryan Revilla, at Sangguniang sa mga Panglungsod Members, gayundin mga naging katuwang, Shopping von A bis Z – Ihr at Preisvergleich | Shopping – Elektronik.
Dinaluhan din ito nina Cecilia Asuncion, Chairperson, Bagong Silang 2 Multipurpose Cooperative, Ismael F. Fampula, CDSII Cooperative Development Specialist, Region IV-A, Emilie De Castro, City Population Office, Head, Alyssa Bumagat, Quiz Master, at Jan Caraveo, Quiz Master.
Naging matagumpay ito sa pamumuno ni COOP Bacoor Head, Vicky Lazaro at sa kanyang mga miyembro na siyang nanguna sa patimpalak na ito.
We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.