Ito ay isang programa ng Department of Trade and Industry sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pangbangon at Ginhawa (PPG) Program. Pinangunahan ni Mayor Strike Revilla at ng City of Bacoor Livelihood Office ang pamimigay ng mga Negosyo Kits na magiging panimulang pangkabuhayan ng mga beneficiaries.
Ang DTI-PPG ay isang livelihood seeding and entrepreneurship development program para sa mga maliliit na negosyo o microenterprises. Layon ng programang ito na mabigyan ng tulong ang mga maliliit na negosyo upang makabangon ang kanilang kabuhayan.