Noong October 13, 2023, personal na pinuntahan ni Mayor Strike B. Revilla si Lola Julia Delos Reyes San Jose sa Barangay Maliksi 1, dahil si Lola Julia ay 100 years old na ngayong taon. Nabibilang na si Lola Julia sa centenarian na makakatanggap ng pinansyal na tulong galing sa National Government, Local Government Unit at Provincial Government.
Nakatanggap si Lola Julia ng 20,000 pesos galing sa Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla. Ito ang halaga na nakalaan sa mga centenarian sa Lungsod ng Bacoor.
Nagpapasalamat naman ang San Jose Family at Delos Reyes Family Kay Mayor Strike B. Revilla dahil sa pag punta nito ng personal para iabot ang pinansyal na tulong at regalo.
Ang Pamahalaang Lungsod naman ay kinikilala ang mga Centenarians sa Lungsod ng Bacoor dahil sila ang nagiging inspirasyon ng ating mga kababayang BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.