Ang pagbabayad ng ating Real Property Tax (Amilvar) at anuman transaction ng pagbabayad ng lokal na buwis ay nararapat gawin sa ating City Treasurer’s Office lamang na matatagpuan sa Bacoor Government Center at Satellite Office ng City Treasurer sa Main Square Mall. Bukod po sa nasabing dalawang opisina, wala па po ibang opisina ang otorisadong tumanggap ng bayad ng tax sa lungsod ng Bacoor. Wala din pong ahente or indibidwal ang ating City Treasurer Office na maaring tumanggap ng bayad o anumang negosasyon or transakson sa labas ng mga nasabing Opisina. Anumang pagbabayad a gagawin sa labas ay walang bisa at hindi kikilalanin ng City Government ng Bacoor.